Sa NBA Indiana Pacers, laglag sa eastern conference playoffs, Toronto Raptors, panalo kontra Orlando Magic

Bad news sa mga fans ng indiana pacers.

Laglag na sa eastern conference playoffs ang koponan matapos pahiyain ng Boston Celtics sa game 4, 106-110.

Hindi na nakatikim na kahit isang panalo ang Pacers.


Aminado si Pacers Coach Nate Mcmillan na hirap silang patumbahin ang Celtics dahil solido ang kanilang depensa.

Sa iba pang laro panalo ang Toronto Raptors kontra sa Orlando Magic, 107-85.

Humataw ng 34 points si Kawhi Leonard habang nabalewala naman ang 25 puntos na naibuslo ni Aaron Gordon para sa Magic.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng raptors para makapasok sa Semifinals.

Gaganapin ang game 5 sa Miyerkules, April 24, oras dito sa Pilipinas.

Facebook Comments