Binigyang linaw ngayon ni Commander Buto Sanday na hindi sya sumuko sa militar bagkus isinumite lamang nya ang kanyang sarili kay 602nd Brigade Commander B/Gen. Capulong.
Sa panayam ng DXMY RMN Cotabato na isang emesaryo ang nakipag-usap na sana ay matigil na ang kaguluhan sa 3 brgy sa bayan ng pikit na tumagal ng 10 araw.
Aniya, sa ngalan ng katahimikan ng bayan ay nakumbinsi sya kayat isinumite nya ang kanyang sarili na bukas palad namang tinanggap ng heneral sa mismong headquarters nito sa Carmen, North Cotabato.
Dahil dito, inaasahan ng matutuldulan na ang kaguluhan sa mga apektadong Baranggay.
Inatasan naman nya ang kanyang mga tauhan na huwag gumawa ng ano mang hakbang na magdudulot na naman ng panibagong kaguluhan sa nasabing lugar.
Sa panayam, inamin naman ni Commander Buto na tanggap nya ng maluwag sa kanyang puso ang pagpapatalsik sa kanya ng MILF sa kanilang organisasyon.
Samantala nagpapasalamat naman si Pikti Mayor Sumulong Sultan sa naging hakbang ni Kumander Buto. Simula aniya ito para tuluyang makamit na ang katiwasayan at muling manumbalik sa normal na sitwasyon ang mga apektadong sibilyan.
Matatandaang libong pamilya ang lumikas matapos magkaengkwentro ang grupo ni Kumander Buto at Kumander Ricky. Mahigit isang daang bahay din ang nasunog sa pangyayari.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>