Malaki ang nakaatang na responsibilidad sa balikat ng mga kapulisan sa Pilipinas lalo na ngayong nagpapatuloy ang laban kontra COVID-19.
Sila ang nagpapanatili ng kaayusan at tumutulong sa gobyerno at medical frontliners para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Isa sa kanila si Police Lieutenant Danilo Monserat ng Mandaluyong City na pitong taon nang naglilingkod sa lungsod.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Monserat na kahit malaki ang posibilidad na mahawa siya sa COVID-19, ipinagpapatuloy pa rin niya sa kaniyang trabaho dahil kailangan siya ng bansa.
Kahit nasa Pilipinas, nakakaramdam pa rin ng lungkot si monserat dahil hindi niya gaanong nakakapiling ang kaniyang pamilya dahil sa virus, pero nananatili siyang matatag dahil sa mga ito.
Kaya sinasaluduhan ka namin Mr. Monserat kasama ang lahat ng Radyoman dahil ikaw ay Bayani ng Bayan ni Juan.