Sa pagsaludo ni Radyoman sa mga Bayani ng Bayan ni Juan; Traffic Officer sa MOA, sinaluduhan

Kasabay ng pagbubukas ng mga mall, lumalabas na rin ang mga tao.

Dahil dito, kailangan nang malaking tulong ng pamahalaan mula sa mga frontliners lalo na ng mga pulis at security forces para mabantayan ang pagpapatupad ng social distancing at health protocols sa lugar na ito.

Kabilang sa kanila si Oscar Bactol Jr., Pasay City Traffic Officer sa Mall Of Asia (MOA) compound.


Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Bactol na pinakamahalaga ang kalusugan sa lahat kaya tinitiyak nilang ligtas at malayo sa sakit ang mga nagtutungo sa mall.

Mahirap na trabaho ang pagiging isang frontliner, nangangailangan ito ng tibay ng loob para malagpasan ang anumang pagsubok at makatulong sa kapakanan at kaligtasan ng iba.

Kaya sinasaluduhan ka namin Mr. Bactol kasama ang lahat ng Radyoman dahil ikaw ay Bayani ng Bayan ni Juan.

Facebook Comments