Sa panayam ni Jessica Soho, Ano ang reaction ni Mayor Isko sa kasalukuyang problema sa bansa at matitinding issues na laban sa kanya?

Nadumog ang social media pagkatapos ng “The Jessica Soho Presidential Interviews”, Ibinahagi ni presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang pananaw hinggil sa mga natatanging paksa sa Pilipinas at ang kanyang dahilan sa pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

On the issue of being called a ‘traditional politician.’

Nang tinanong ni Soho ang alkalde, “Nasaan ang loyalty mo?” ito ay tumutukoy sa paglilipat ng mga partidong politikal at pagbabago ng mga katapatan sa mga nakaraang halalan.


Ipinahayag ni Moreno na ang kanyang katapatan ay palaging nasa sambayanang Pilipino. “Sa taong bayan” sabi niya.

“Basta ako sa tao, ang kapakinabangan ng tao ang mahalaga sa akin, hindi kapakinabangan ng pulitiko. Kung naging mabuti ka at tinupad mo ang sinabi mo, sasamahan kita. Pero kung hindi ka totoo sa sarili mo, at hindi ka totoo sa tao, hindi ako para maging tapat sayo. Dahil ang katapatan ko ay sa taong bayan.” ipinagpatuloy niya.

On the issue of being called ‘Duterte 2.0’.

“Maraming bagay na ginawa si Pangulong Duterte na puwedeng kopyahin at ipagpatuloy” sabi ni Moreno.

Binigyang-diin ng Manila Mayor na kung ito ay para sa kapakanan ng mga tao, gagayahin at ipagpapatuloy niya ang ilang plataporma ng gobyernong Duterte at pupunahin lamang ang hindi nakabubuti sa lipunan – “Yung mga ginawa ng ilang gabinete niya na hindi naman maganda, dapat lang punahin. Kapag palpak, palpak, kapag tama, supportahan” paliwanag niya.

On his P50 million excess campaign funds from the 2016 polls.

“As long as nagbabayad ka ng buwis.” Sabi ni Moreno.

Pahayag ng 47 year old aksyon demokratiko standard bearer na wala siyang nilabag na batas sapagkat siya ay nakapagbayad ng P9.7 milyon na buwis — “I had to pay taxes. Kapag may natira sa kampanya, you have to declare tapos kapag ‘yun ay nasa iyo na ay kailangan mong magbayad ng buwis, which is ‘yun yung ginawa ko.”

On running for the next Philippine president

“Buhay, kabuhayan, and trabaho” –  ito ang tatlong bagay na uunahin ni Manila Mayor Isko Moreno sa susunod na dalawa sa anim na taon kung mananalo siya sa 2022 polls.

“What happened in Manila is scalable, so may prototype na with regards to housing, education, health care and jobs.” Anya ng Alkalde na kung ano ang kanyang ginawa sa Maynila ay maaaring palawakin sa buong bansa.

“Sanay naman ako sa hirap eh. Buong buhay ko, puro hirap ang inabot ko. Itong mga challenges na ito, para sa akin, it’s a normal thing,” sabi niya.

Marami sa mga problema ng bansa ay naging ordinaryo na para sa Mayor ng Maynila, dahil siya mismo ay nagmula sa kahirapan.

“Yung makapaglingkod ka sa taong bayan, ‘yun naman ay para nalang sa sarili mo na mabigyan ka ng pagkakataon to excel, to show your love for the country, your love for your fellowmen,” para kay Moreno, ang kanyang intensyon sa pagtakbo ay pagsilbihan lamang ang sambayanang Pilipino.

Bukod kay Manila Mayor Isko Moreno, sinagot din ng mga kapwa kandidato sa palasyo na sila Vice President Leni Robredo, Senators Manny Pacquiao at Panfilo Lacson ang mga tanong ni Soho sa isang pre-recorded interview broadcast noong Sabado, January 22, maliban sa dating Senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, na nagpasya na hindi sumali.

Facebook Comments