Sa Region 12, anim na libong pulis, sumailalim sa surprise drug test

Mahigit 6,000 police sa Region 12 ang sumailalim sa surprise drug tests.

 

Sa ngayon ay hinihintay pa ng PNP 12 ang resulta sa surprise drug test. Ito ay ayon kay PNP 12 Public Information Officer Lt. Col. Lino Capellan.

 

Ayon kay Capellan ang pagsailalim sa drug test ng mga pulis sa rehiyon dose ay sa utos ni PNP 12 Regional Director Brig. General Alfred Corpuz.


 

Ito ay bilang kabahagi pa rin ng internal cleansing sa hanay ng PNP. Layun nito na masiguro na walang gumagamit ng illegal na droga sa hanay ng kanilang mga pulis at maipakita ang transparency sa kampanya kontra iligal na droga. Isinagawa ang surprise drug testing sa mga pulis sa Region 12 kasabay ng Drug Abuse Prevention and Control Week Celebration.

 

Ayon kay Capellan kabilang sa mga nagpa-drug test ang lahat na mga police commissioned and non-commissioned personnel at non-uniformed personnel.

 

Facebook Comments