Mahigit 7000 food packs na ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development Region 12 sa mga biktima ng magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao partikular na sa SOCCSKSARGEN area.
Ayon kay Regional Director Cesario Joel Espijo ng DSWD 12 araw-araw silang namimigay ng food packs sa mga apektadong lugar dahil na rin sa sunod-sunod na aftershocks na nararamdaman ng mga residente at dumadami na rin ang mga nagsilikas sa evacuation centers sa iba’t-ibang bayan sa North Cotabato.
Nagtayo na rin umano ang tanggapan ng mobile storage unit para sa mga kakailanganin ng mga residente at crisis intervention unit sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato upang mapabilis ang paghatid ng tulong sa katabing bayan ng Lalawigan.
Sa katunayan ayon kay Espejo patuloy ang pagbibigay nila ng tulong ng mga apektadong lugar ng cash, financial, medial at burial assistance sa mga namatayan.
Hinihikayat rin ng opisyal ang mga residente na apektado ng lindol na pumunta lamang sa pinakamalapit na DSWD Satellite office upang mabigyan ng tulong.