SA SAN NICOLAS: BOOSTER SHOTS HANDA NG IPAMAHAGI SA MGA HEALTH WORKERS

SAN NICOLAS, PANGASINAN – Handa nang ipamahagi sa bayan ng San Nicolas ang booster shots para sa mga fully vaccinated health workers sa nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Alice Primicias ng San Nicolas, hinihintay na lamang umano ng lokal na pamahalaan ang guidelines na magmumula sa National Vaccine Operations Center para sa unang pagtuturok ng booster shots sa mga napiling babakunahan.

Dagdag pa nito, anumng oras ay handa nang magbakuna ang lokal na pamahalaan sa mga health workers.


Samantala, tanging ang Moderna ,Pfizer, at Sinovac ang brand ng bakuna na isinusuhestyon na gagamitin para sa pagtuturok booster shots.###

Facebook Comments