SA SERBISYO BABASE | P10-Billion capital requirement ng 3rd telco player sa bansa – inalis na ng DICT

Manila, Philippines – Simula May 24, tatanggap na ng bids ang Department of Information ang Communications Technology (DICT) para sa mga interesadong maging third telecommunications player sa bansa.

Samantala, inanunsyo ng DICT sa ikalawang public consultation nito sa Quezon City kanina, na inalis na nila ang P10-Billion capital requirement sa tatlong telco player.

Ayon kay DICT OIC Usec. Eliseo Rio, hindi na ang halaga ng pamumuhunan ng bidders ang pagbabasehan nila kundi ang serbisyong iaalok nito.


Sa April 9 naman nakatakdang isapinal ang Terms of Reference hinggil dito.

Facebook Comments