‘Sa Susunod na Habang Buhay’ MV ng Ben&Ben, nagkamit ng tatlong major awards sa 2021 Canadian Cinematography Awards

Nag-uwi ng tatlong major awards ang music video ng Ben&Ben na ‘Sa Susunod na Habang Buhay’ sa 2021 Canadian Cinematography Awards.

Sa kanilang Facebook page, ibinahagi ng Ben&Ben na nanalo ang kanilang music video ng Best Song, Best Music Video at Best Music Video sa nasabing international awards.

Tampok din sa nasabing music video sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nagpasalamat ang grupo sa mga walang sawang sumuporta sa kanila.


Sa kasalukuyan ay mayroong higit 10 million views na ang music video na inilabas noong 2020.

Facebook Comments