SA VIGAN CITY, ILOCOS SUR:KASAMBAHAY NA TUMANGAY NG 1.8M HALAGA NG PERA AT ALAHAS HULI

Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang isang kasambahay matapos tangayin ang vault na naglalaman ng pera at alahas na nagkakahalaga ng 1.8M pesos sa kanyang pinapasukan sa Puroc 1, Brgy Pantay Fatima, Vigan City, Ilocos Sur.

Nakilala ito na si Emelyn Raboy Refuerzo, 28 anyos, habang ang biktima naman ay nakilala na si Imelda Amin Amigable, 62 anyos, isang OFW sa Italy.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Vigan City PNP, lumalabas na nangyari ang insidente noong kasalukuyang nasa abroad ang biktima at natuklasan na lamang na nawawala ang nasabing vault nang makauwi ang biktima noong buwan ng Pebrero.

Dumaan sa Brgy Justice System ang insidente ngunit hindi ito naaayos, sa pag-imbestiga naman ng mga pulis ay dito na umamin ang suspek at isinauli ang 100, 000 pesos at iba pang alahas sa biktima.

Sa kabila nito ay desidido ang biktima na tuluyang sampahan ng kaso ang suspek. | ifmnews

Facebook Comments