SA WAKAS | Annulment ni Sunshie Cruz at Cesar Montano tapos na

Showbiz — Masaya ngayon ang aktres na si Sunshine Cruz. Ito ay matapos na ma-grant ng korte ng annulment of marriage nila ng ex-husband niya na si Cesar Montano.

Say ni Shine, matagal-tagal na rin daw niyang hindi nararanasan ang ganitong saya kung saan naiyak pa siya sa tuwa nang tawagan ang kanyang ina para sabihin ang magandang balita.

Masaya din ang dalawang anak ni Sunshine para sa kanya lalo na’t deserve niya daw ang maging happy.


Bukod dito, ipinagdiriwang din ngayon ni Sunshine ang second anniversary nila ng kasalukuyang boyfriend na si Macky Mathay III.

Masaya rin daw si Macky sa naging desisyon ng korte sa annulment nina Sunshine at Cesar.

Apat na taon ang lumipas bago tuluyang i-grant ng korte ang annulment papers nina kahapon, September 18.

Facebook Comments