Sa Zamboang del Sur, limang milyon na halaga ng relief goods, ipapadala ng lokal na pamahalaan sa pamilyang apektado ng lindol

58

Ngayong araw na umano ipapadala ng Provincial Government ng Zamboanga del Sur ang karagdagang ayuda para sa mga biktima ng magkasunod na pagyanig sa North Coatabato.

 

Ito ang sinabi ni Governor Victor Yu, ipadadala na ang karagdagang ayuda kagaya na lamang ng mga relief goods at medical supplies na kailangan ng mga biktima at mga residenteng apektado ng lindol.


 

Ipinaliwanag nito na mayroong limang sasakyan na kargado ng mga relief goods na ipapamigay ng mga volunteers mula sa probinsya.

 

Tinatayang aabot sa limang milyon na relief goods ang ipapadala  kung saan ang nasabing halaga ay aprobado ng Sangguniang Panlalawigan.

Facebook Comments

From Advertisers