Manila, Philippines – Naubos na ang supply ng bigas ng masa na sinasabing alternatibo sa NFA rice.
Ayon sa ilang tindera, limitado lang kasi ang supply ng bigas ng masa na mas mura kaysa sa commercial rice.
Una nang naglabas ng supply ng bigas ng masa ang Department of Agriculture (DA) sa ilang lugar nitong February 14 para ipakita na walang rice shortage sa bansa.
Muli namang magbebenta ng bigas ng masa sa February 22 at 23 sa central office ng DA at sa San Andres sa Maynila.
Facebook Comments