SAAN KUKUHA? | Suplay ng NFA rice, tatagal na lang ng isa’t kalahating araw

Manila, Philippines – Hanggang isa’t kalahating araw na lang ang itatagal ng suplay ng NFA rice sa bansa.

Sabi ni National Food Authority Administrator Jason Aquino, ito ang naging epekto ng atrasadong desisyon ng NFA council para mai-angkat ang 250,000 metric tons na bigas.

Hanggang ngayon kasi aniya ay hindi pa rin umuusad ang bidding process para sa pag-angkat ng bigas na inaasahang darating sa Hunyo.


Iginigiit din ng NFA na wala silang mabibiling lokal na palay na tig-17 pesos kada kilo kaya’t nag-request na sila sa council na i-angat sa P22.00 kada kilo ang bibilhing palay.

Kaya lang ang problema sabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol, kapag inangat sa P22.00 ang presyo ng palay ay tiyak ding tataas ang inflation rate sa bansa.

Facebook Comments