SAAN NANGGALING? | ₱90-M budget para sa federalism information campaign, kinuwestyon

Manila, Philippines – Kinuwestyon sa Senado ang ₱90 million na pondo na ilalaan sa information campaign ng gobyerno sa pagsusulong ng federalism.

Tanong ng mga senador, saan nanggaling ang nabanggit na pera gayung wala namang inilaan ang Kongreso para sa ganitong gastusin ngayong taon.

Para kay Senador Francis Escudero, hindi niya maintindihan kung anong klaseng impormasyon ang ilalako ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa publiko tungkol sa pederalismo.


Payo naman ni Senadora Loren Legarda sa bago magsagawa ng information dissemination, mahalaga na magkaroon ng malalim na pananaliksik at pag-aaral.

Matatandaang binatikos sa social media ang ‘i-pederalismo’ dance video na inilabas ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Facebook Comments