SAAN NANGGALING? | Ombudsman Conchita Carpio-Morales, tumaas ang kanyang networth

Manila, Philippines – Tumaas ang networth ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos ang pitong taong panunungkulan sa Office of the Ombudsman.

Base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), ang kabuuang networth ni Morales ay aabot na sa 58.527 million pesos nitong December 2017, 17.778 million pesos na mas mataas sa kanyang 40.479 million peso networth noong 2011.

Ang kanyang SALN noong 2016 ay pumalo ng 54.13 million pesos.


Kabilang sa assets ni Morales ay ang kanyang memorial lot na binili noong 1977 at tatlong residential lots sa Muntinlupa City noong 1977.

Nakabili siya ng bahay sa Muntinlupa, isang house and lot sa Lemery noong 2001, isang memorial lot noong 2003, condominium units sa Maynila, Taguig, Baguio at Makati City.

Nasa 32.028 million pesos ang assets ni Morales sa cash investments kabilang ang cash on hand, retirements benefits, pension and cooperative investments.

Nakatakdang magretiro si Morales sa Ombudsman sa July 26.

Facebook Comments