Manila, Philippines – Pinaninindigan ng Malacañang ang claims ng Pilipinas sa Sabah.
Ang Sabah ay isang teritoryong idineklarang parte ng Malaysian federation noong 1963.
Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matagal nang idinedeklara ng Pilipinas maski noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na mayroong pag-aari ang Pilipinas sa Sabah.
Taliwas ito sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa isang interview kaninang umaga na hindi claimant ang Pilipinas.
Sa kabila ng magkakaibang pahayag iginiit ni Panelo na hindi parte ng agenda ng pulong ng Prime Minister at ni Pangulong Duterte ang isyung ito.
Facebook Comments