Isinagawa ang simultaneous coastal cleanup sa mga baybayin ng Barangay Lucap, Telbang at Victoria sa pangunguna ng City Youth Sports and Development Office (CYSDO) katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) noong araw ng lunes, November 24, 2025.
Nagsimula ang aktibidad sa isang maikling programa na may temang “Clean Coast, Clean Future: Youth in Action for Greener Ocean.” Lumahok dito ang maraming kabataan mula sa Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng iba’t ibang high school sa lungsod, kasama ang mga miyembro ng kani-kanilang SK councils. Dumalo rin at nagpaabot ng suporta si SK Federation President Loverly V. Bernabe-Paredes.
Umabot sa 175 kilos o 48 trash bags ng basura ang nakolekta sa Lucap, 174.3 kilos o 24 trash bags sa Telbang, at 57.75 kilos o 19 trash bags naman sa Victoria.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng mga baybayin at mapasigla ang partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









