Ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang sabayang bakunahan laban sa COVID-19 at MRTD o Measles-Rubella-Tetanus at Diphtheria.
Magbabahay-bahay na ang mga tauhan ng Navotas City Health Office sa mga susunod na araw para sa sabayang bakunahan.
Paliwanag ni City Health Officer Dr. Christia Padolina, gagawin ito para hindi naman mapabayaan ang ibang populasyon na nangangailangan ng iba pang bakuna para sa ibang mga sakit.
Partikular na gagawin ang pagbabakuna sa dalawang age groups o iyong 6 hanggang 7 taong gulang at 12 hanggang 13 anyos.
Kasabay nito ay mag-e-enroll na rin anya sila ng mga batang edad 12 to 17 years old na may comorbidity para naman sa pag-arangkada ng bakunahan ng COVID-19 sa mga menor de edad na mag-uumpisa sa Biyernes, Oktobre 15.