“Sabayang Patak Kontra Polio”, ipagpapatuloy muli ng DOH

Ipagpapatuloy muli ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang “Sabayang Patak Kontra Polio” para labanan ang polio virus outbreak sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, mahalagang maibalik ang programa kontra polio sa kabila nang kinakaharap na pandemya ng bansa.

Ngayong araw sisimulan ang nasabing immunization campaign sa Region 3, habang sa Agosto ito aarangkada sa Region 4-A.


Isasagawa naman sa Mindanao ang susunod na yugto na magsisimula sa Hulyo 20 hanggang Agosto 2, 2020 para sa mga bata na may edad 10-anyos pababa.

Nagsimula ang muling pagkakaroon ng polio outbreak sa Pilipinas noong ika-19 ng Setyembre 2019, kung saan isang 3-anyos na babae na mula sa Lanao Del Sur ang kauna-unahang biktima nito sa bansa.

Facebook Comments