Sabayang patak kontra Polio, pinalawig pa ng DOH  

Pinalawig pa ng Dept. of Health (DOH) ang sabayang patak kontra polio hanggang Abril.

Sa abiso ng DOH, dalawa pang dagdag na rounds ng Polio Immunization Program ang isasagawa sa National Capital Region sa January 27 hanggang February 7, at March 9 hanggang March 20, 2020.

Magkakaroon din ng limited response round sa Mindanao na isasagawa sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga City, Isabela City, at Lambayong, sultan kudarat mula January 6 hanggang 12, 2020.


Mayroon ding dalawa pang rounds sa lahat ng rehiyon sa Mindanao mula February 17 hanggang March 1, at March 23 hanggang April 4, 2020.

Hinimok ni Health Sec. Francisco Duque III ang lahat na makiisa upang tapusin ang outbreak.

Dahil dito, target ng DOH na makamit ang halos 95% coverage.

Facebook Comments