Sabayang send-off ceremony sa mga ide-deploy sa halalan, isinasagawa ngayon sa Kampo Krame

Handang-handa na ang iba’t ibang pwersa ng pamahalaan para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Sa katunayan, isinagawa ngayong araw ang sabayang send-off ceremony para sa mga security personnel na itatalaga sa nalalapit na halalan.

Nasa 715 Philippine National Police (PNP) contingents ang ipapadala sa mga lugar na tinututukan ng mga otoridad o mga nasa ilalim ng red category.


Habang nasa 250 Armed Forces of the Philippines (AFP) contingents din ang ide-deploy, 100 Philippine Coast Guard (PCG) contingent at 90 Department of Education participants o kabuuang 1,155 personnel.

Maliban sa mga tauhan, itu-turn over din ang iba’t ibang kagamitan at mga sasakyan.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., Comelec Chair George Erwin Garcia, Gen. Charlton Sean Gaerlan, AFP deputy chief of staff, PCG Deputy Commandant Vice Admiral Rolando Punzalan, Education Usec. Atty. Revsee Escobedo na kinatawan ni VP at Educ. Sec. Sara Duterte Carpio.

Facebook Comments