Sabina Shoal, hindi maituturing na bagong flashpoint sa WPS

Hindi pa maituturing na flashpoint o lugar kung saan may mataas na tensyon ang Sabina Shoal.

Ito ang nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang insidente sa Sabina Shoal kahapon kung saan binangga ng barko ng China ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bagama’t ito ang kauna-unahang ramming incident sa Sabina Shoal ay hindi naman nila nakikita na lalala pa ang sitwasyon at mauuwi sa giyera.


Kasunod nito, iginiit ni Trinidad na illegal, coercive, aggressive at deceptive ang mga aktibidad ng China sa loob mismo ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kasama na rito ang patuloy na pagtangka nito na kontrolin ang malaking bahagi ng South China Sea.

Facebook Comments