SABIR | Estado Unidos, nagbigay ng bagong Special Airborne Mission Installation and Response system sa DND

Manila, Philippines – Nakatanggap ang Department of National Defense ng bagong Special Airborne Mission Installation and Response O SABIR system mula sa Amerika.

Sa official statement na inilabas ng US Embassy, pinangunahan ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang turned over ng nasabing equipment sa Villamor Airbase Pasay City.

Tinanggap mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang SABIR system na may halagang 807 million pesos.


Ang SABIR system ay makakatulong sa Armed forces of the Philippines para mapaangat ang Maritime domain awareness, airborne command and control, counterterrorism at humanitarian assistance and disaster relief capabilities.

Ang SABIR system ay ibinigay partikular sa Philippine Airforce, kung saan ang system na ito ay isang bolt- on avionics module na para sa C-130 hercules aircraft.

Facebook Comments