Sablay na ‘water service advisory’, hindi na dapat maulit

48

Kaliwa at kanan ang pag-angal ng mga resindenteng apektado ng water interruption sa Mandaluyong at Pasig City.

Yung iba hindi naman kasama sa listahan sa nakatakdang scheduled water interruption, pero nawalan sila ng tubig.

Dahil dito, apektado ang kanilang pagligo, pagkain, paglalaba at pagdumi.

Bayad naman anila ang kanilang bill sa tubig kaya sana maging maayos na ang serbisyo ng Manila Water.

Samantala, paliwanag ng Manila Water, mataas ang demand at kaunti ang tubig kaya nadamay na rin ang mga hindi kasama sa listahan.

Facebook Comments