Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Sablayan sa Occidental Mindoro bago mag alas-sais ng umaga ngayong Linggo.
Sa ulat ng PHIVOLCS, natunton ang sentro ng lindol sa layong 10 kilometro sa hilagang kanluran ng Sablayan.
May lalim ito na sampung kilometro at tectonic ang dahilan.
Sabi pa ng PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 3 sa San Jose Occidental Mindoro, Intensity 2 sa Batangas City, intensity 1 sa Mulanay, Mauban Quezon at Tagaytay City.
Bago nangyari ang lindol, una nang naitala ng PHIVOLCS ang magkakasunod na mahihinang pagyanig bago mag alas singko kaninang madaling araw.
Facebook Comments