Sabong, pinayagan na ng IATF sa ilalim ng Alert Level 2

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng mga tradisyunal na sabong sa mga nasa ilalim ng Alert Level 2.

Sa kabila nito, nilinaw ng IATF na kinakailangan munang mayroon itong pahintulot mula sa mga nakakasakop na Local Government Units.

Ipinatutupad din sa loob ng mga sabungan ang mga sumusunod:


 50 percent na venue capacity at para sa mga fully vaccinated lamang

 dapat din fully vaccinated ang mga nagtatrabaho sa mga nasabing establisyimento

 gagamit ng cashless sa pagbabayad ng mga pusta at walang mangyayaring bayaran sa pamamagitan ng cash sa loob ng sabungan.

 mahigpit ding imomonitor ng Department of the Interior and Local Government ang mga sabungan.

Sa kasalukuyan, mananatili hanggang katapusan ng Disyembre ang Alert Level 2 na umiiral sa buong bansa.

Facebook Comments