SABONGERO, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Hindi manok kundi mananabong ang kulong ngayon matapos na mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 51 anyos na lalaki at residente sa bayan.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 1.85 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 12,580 pesos.

Nakumpiska rin sa operasyon ang buy-bust at boodle money.

Masusing inilagak sa imbentaryo ang mga nakalap na ebidensya habang haharap sa kaukulang kaso ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments