SABOTAHE? | Halos 200 government websites, offline

Manila, Philippines – Nasa 170 na mga government website ang hindi ma-access.

Sa advisory ng Department of Information and Communication Technology (DICT), mula Martes ng madaling araw ay offline na ang 170 government website dahil sa nag-malfunction na server na pag-aari ng gobyerno.

Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio, posible ang malfunction sa mga server ng gobyerno ay dahil sa kalumaan na rin ng mga ito.


Bagaman isinasantabi muna ng DICT ang anggulong pananabotahe, kasalukuyan na rin itong iniimbestigahan ng kagawaran.

Sabi ni Rio, posibleng abutin pa ng ilang araw bago muling maibalik sa grid ang mga offline na government website.

Facebook Comments