SABOTAHE | Pagkalas ng bagon, sinadya raw

Manila, Philippines – Isinantabi ng National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI-SAU) ang anggulong mechanical at technical failure sa pagkalas ng bagon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 noong November 16.

Ayon kay NBI-SAU Chief Joel Tovera – malaki ang posibilidad na sinabotahe ang pagkalas ng coupler device na nagdurugtong sa dalawang bagon.

Sa ginawa nilang inspeksyon, siniyasat nila ang coupling ng nagkadeperensyang bagon.


Sa ngayon aniya, nawawala pa rin ang messma card o yung black box na nagre-record ng mga nangyayari sa tren.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na posibleng sabotahe ang nangyari.

Tinututukan na rin ang mga persons of interest para sa anggulong pananabotahe.

Facebook Comments