Manila, Philippines – Nahaharap sa panibagong kaso sa Sandiganbayan sina dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dismissed Makati City Mayor Junjun Binay Jr. kaugnay sa umano’y iregularidad sa P1.3-billion school building project.
Ang mag-amang Binays ay kapwa nahaharap sa four counts ng graft at three counts ng falsification of public documents dahil umano sa pakikipagsabwatan sa iba pang Makati City officials at private individuals para sa suplay at procurement 10-story building ng Makati Science High School noong 2007.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang kontrata ay napunta sa Hillmarc’s Construction Corporation kahit na may mga iregularidad.
Nakasaad rin sa kontrata ang kontruksyon ng four-story dormitory pero hindi ito naitayo.
Una nang sinampahan ang mga-amang Binay sa kaparehong kaso kaugnay ng overpriced P2.2-billion Makati City Hall parking building.