Sabwatan sa pagitan ng mga POGO, PAGCOR at third-party auditor, pinaghihinalaan ng isang senador

Duda si Senator Sherwin Gatchalian na posibleng may sabwatan sa pagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at third-party auditor.

Ito ay dahil hinayaan ng PAGCOR na kumuha ng isang third-party auditor na tutukoy sa Gross Gaming Revenues ng mga lisensyadong POGOs nang sa gayon ay malaman na kumikita nga ang mga ito at tama ang ibinabayad na buwis sa ating gobyerno.

Magkagayunman, maraming butas pa ang nakita ng Senado sa imbestigasyon kahapon kung saan ang kinuhang third-party auditor ng PAGCOR ay nagsumite ng certificate mula sa isang bangko na hindi naman rehistrado ng Bureau of Internal Revenue (BIR), bukod pa ito sa kawalan ng technical capability at hindi rin nagbabayad ng local at international taxes.


Bukod dito, aminado ang PAGCOR sa mga senador na kasalanan nila dahil hindi nila nasuring mabuti ang kinuhang third-party auditor na ayon sa senador ay sobrang nakakadismaya dahil naghahanap ng kita ang pamahalaan pero nagaaprub naman pala ng isang service provider na mali naman ang idinedeklarang kita.

Naniniwala pa si Gatchalian na mas malaki ang tyansa ng “under declaration” ng POGO dahil hindi nagtutugma ang ibinabayad na buwis sa gross revenue.

Facebook Comments