Sabwatang LP at Magdalo laban kay Digong, ibinunyag

Image via PNA

INILABAS ng Malacañang ang bagong diagrams na nagpapakita ng umano’y pakikipagsabwatan ng oposisyon at ng ilang grupo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakita nina Presidential Spokesperson Salvador Panelo at Presidential Communication Secretary Martin Andanar ang ilang diagrams pati na PowerPoint presentation ngayong araw kung saan ipinakita ang “sabwatan” para pabagsakin si Presidente Duterte.

Ani Panelo, tumanggap ang Pangulo ng intelligence information na may mga grupong nais manira sa kanya kabilang na ang Liberal Party, Magdalo, ilang media outfits at iba pang organizations na kasama sa matrix. Idinagdag ni Panelo na may ilan ding indibidwal ang kasama sa diagrams dahil sa pagpapakalat nila ng anti-Duterte sentiments sa social media.


Kasama sa mga inakusahan sina:

  • Dating presidential spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, Jose Maria Sison, Sen. Antonio Trillanes IV, Rodel Jayme, Bong Banal (umano’y narrator sa Bikoy videos) Arman Pontejos, Jerry Mae Maghinay (umano’y nag-upload ng video ng ngayo’y wanted na si Eduardo Acierto), Fillmore Rule na miyembro umano ng Magdalo at security officer ni Sen. Trillanes, Precious Sahara Ledesma a.k.a. Maru Nguyen, Maru Xie at Maria Kristina Elvira;
  • Mamamahayag na sina Ellen Tordesillas at Inday Espina Varona;
  • Media groups na Rappler, Vera Files at Phillipine Center for Investigative Journalism (PCIJ);
  •  Ang mga grupong LP, Magdalo at National Union of People’s Lawyers

Hindi alam ang sagot ni Panelo nang tanungin kung kanino nanggaling ang diagrams.

Facebook Comments