SAC Forms ng DSWD limitado lamang sa Antipolo City

Umapila ang pamunuan ng Antipolo City Government sa lahat ng mga residente na unawain muna ang kanilang kalagayan dahil hindi lahat ay makakatanggap ng ayuda mula sa Social Ameolieation Program (SAP) ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares hindi lahat ng mga residente ng Antipolo ay mabibigyan ng ayuda dahil.

limitado lamang ang kanilang SAC For kaya hindi lahat ay magkakaroon ng Php 6,500  dahil ang kanilang SAC Form ay  89,193 lamang gayong may kabuuang 155,000 hanggang 181,000 households sa Antipolo City.


Dagdag pa ng Alkalde kung nag-aalinlangan sila at mayroon silang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan na lamang sila  sa mga Barangay SAC Focal Persons para sa kanilang kalinawan.

Giit ni Mayor Ynares bagamat kapos ang ibinibigay ng DSWD sa kanila ay gumagawa naman sila ng paraan upang matustusan ang mga residente hindi nabibigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Facebook Comments