SAF at Regional Mobile Force Battalions, nasa pinakamataas na alerto kasunod nang nalalapit na anibersaryo ng CPP-NPA

Nasa pinakamataas na alerto na ang Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) at ang lahat ng 17 Regional Mobile Force Battalions sa buong bansa.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Aniya, ang hakbang na ito ay para mapigilan ang anumang pag-atake ng mga teroristang komunista kasunod ng pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa darating na Disyembre 26.


Tradisyunal kasing naglulunsad ng pag-atake ang NPA sa nabanggit na panahon para ipakita na may saysay pa ang kanilang kilusan.

Samantala, una nang inihayag ng PNP chief na inirekemonda nila na magkaroon ng Christmas ceasefire sa NPA pero ipinauubaya na nila sa Palasyo kung ito ba ay kakatigan.

Facebook Comments