SAF troopers, balak italaga sa Drug Enforcement Group

Tinitingnan ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na i-deploy ang mga tauhan ng Special Action Force (Saf)sa PNP Drug Enforcement Group o PDEG.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., bahagi ito ng paglilinis sa naturang unit ng pulisya matapos madawit sa kontrobersiya ang ilang matataas na opisyal at kawani nito.

Ani Acorda, sa tuwing magkakaroon ng usapin sa tiwala, ang SAF ang unang sumasagi sa kanyang isipan.


Sinabi pa nito na kumpiyansa siya na masosolusyunan ang problema sa hanay ng PDEG kung pawang mga SAF trooper ang ilalagay rito dahil sa kanilang kasanayan at expertise pagdating sa disiplina.

Matatandaang sa panahon ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar, naging katuwang ng Bureau of Corrections (BuCor) ang SAF sa pagsasaayos ng sistemang pang seguridad matapos malagay sa kontrobersiya ang New Bilibid Prison dahil sa usapin ng iligal na droga.

Facebook Comments