SAF troppers na inalis sa bilibid, inabswelto ni General Dela Rosa sa isyu ng korapsyon at pakikipagsabwatan sa mga bilanggong drug lords

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Philippine National Police o PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa na hindi sangkot sa korapsyon o pakikipagsabwatan sa mga bilanggong drug lords ang mga miyembro ng special action force o SAF na inalis sa Bilibid.

Giit ni general dela rosa, nananatili ang integridad ng mga SAF troopers na nakatalaga sa new bilibid prisons kaya buo pa rin ang kanyang kumpyansa sa mga ito.

Ipinaliwanag ni general dela rosa na ang pagtanggal ng ilang saf sa bilibid ay bahagi lang ng nakagawiang rotation of personnel.


Ayon kay general dela rosa, sa ngayon ay nananatiling mga miyembro pa rin ng SAF ang nagbabantay sa bilibid.

Facebook Comments