Manila, Philippines – Hindi umano nababahala si Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio sa kontrobersiyal na Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Carpio, “safe” daw ang naturang MOU kaya walang dapat ikabahala ang taoangbayan.
Ang kasunduan ay naglalayon lamang daw sa paghahanap ng solusyon sa oil and gas development sa pinag-aagawang rehiyon.
Sinabi pa ni Carpio na wala umanong nakapaloob sa agreement na merong ibinibigay na teritoryo ang Pilipinas sa China.
Pero dapat pa rin daw maging mapagmatyag ang lahat sa mga development sa ginagawang negosasyon ng pamahalaan.
Matatandaan na ang MOU sa Joint Exploration sa oil and gas sa West Philippine Sea ay nilagdaan nitong nakalipas na araw kasabay ng state visit ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.