SAFE | Dagat ng Lianga Bay, Surigao del Sur, ligtas na sa red tide – BFAR

Ideneklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Lianga Bay sa Surigao del Sur na ligtas na sa toxic red tide.

Ito ay batay na rin sa pinakahuling resulta ng laboratory examination na isinagawa sa karagatan ng BFAR at Local Government Units (LGUs).

Ibig sabihin nito pinapayagan na ang mga mangingisda na manguha at magbenta ng shellfishes o anumang uri ng lamang dagat sa Lianga Bay.


Mahigpit namang binabantayan ng BFAR ang mga coastal waters ng Matarinao Bay sa Eastern Samar; Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Puerto Princesa at Honda Bays, sa Puerta Princesa City , Palawan .

Ayon sa BFAR ang mga nabanggit na karagatan ay positibo pa rin sa paralytic shellfish poison.

Lahat ng lamang dagat tulad ng tahong, alamang, tulya ay may taglay pa rin ng toxic red tide na nakakamatay kapag kinain.

Maaari namang kainin ang isda hipon at alimango basta at tiyakin lamang na tinanggalan ito ng lamang loob bago lutuin.

Facebook Comments