SAFE/Highway sa Maguindanao ligtas sa mga motorista- 6th ID

Walang dapat ipangamba, ligtas ang national highway sa Maguindanao. Ito ang mariing inihayag ni Lt. Col. Gerry Besana, 6th ID CMO Chief sa naging panayam ng DXMY kaugnay sa mga narerekober at sumasabog na mga Improvised Explosive Device.
Nagkalat na ang mga check point maliban pa sa ginagawang pagpapatrolya ng mga kasundaluhan na kabilang sa ginagawang clearing sa bawat highway ng lalawigan giit ni Col. Besana.
Sinisiguro rin ng militar na magiging ligtas ang bawat sibilyan lalong lalo na sa mga dumaraang motorista.
Matatandaang di na mabilang ang mga narecover na IED at mga sumabog sa highway ng Datu Saudi, Datu Unsay, Shariff Aguak at Datu Hoffer sa nakalipas na mga araw bunsod sa nagpapatuloy na tensyon sa pinag aagawang Mt. Firis.
Kaugnay nito di naman tumitigil ang militar na tapusin at tuldukan ang mga pinagagagawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Movements na silang responsable sa pagtatanim ng IED sa mga highway dagdag ni Col. Besana.
6th ID pic

Facebook Comments