“Safe Philipines Project,” hindi gagamitin sa paniniktik – DILG

Iginiit ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) na malaki ang maitutulong ng “Safe Philippines Project” sa pagtugon sa krimen at kalamidad.

Sa ilalim nito, 12,000 CCTV ang ilalagay sa mga kalsada, business establishments at mga parke sa Metro Manila at Davao City.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, hindi gagamitin ang proyekto sa paniniktik.


Sa kabila ng mga pangambang China ang hahawak sa proyekto, tiniyak ni Malaya na mga Pilipino ang magpapatakbo nito.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 20 Billion Pesos na uutangin sa China at gagawin ng China International Telecommunication Construction Corporation.

Uumpisahan na ang proyekto sa Enero 2020.

Facebook Comments