
Iginiit ni Akbayan Party-list Representative Dadah Kiram Ismula ang pangangailangan na mahigit ding ipatupad sa mga ride-hailing app vehicles ang Safe Spaces Act.
Pahayag ito ni Ismula kasunod ng napa-ulat na harassment ng isang ride-hailing driver sa aktres na si Xyriel Manabat.
Diin ni Ismula, ang naturang insidente ay patunay na dapat maipasa agad ang House Bill 768 o panukalang Expanded Safe Spaces Act na inihain niya noon pang July 2025 kasama sina Representatives Perci Cendaña, Chel Diokno, at Kaka Bag-ao.
Layunin nito na mapalawak ang saklaw ng batas para maisama ang mga pribadong sasakyan na nasa ilalim ng app-based transport network services.
Ipinunto ni Ismula na ang karanasan ni Xyriel ay posibleng nangyayari rin sa marami pang mga kababaihan at bata ngunit hindi lang nagva-viral kaya mahalaga na madagdagan ng proteksyon batas para maging ligtas ang lahat, kahit sa loob ng mga sasakyan.










