SAFE TRIP MO SAGOT KO | Metro Pacific Tollways, naglunsad ng Motorist Assistance Program para sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Inilunsad ng Metro Pacific Tollways ang Motorist
Assistance Program para sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa.

Ipatutupad SA NLEX, SCTEX at CAVITEX ang programa na may temang “Safe Trip
Mo Sagot Ko”.

Nabatid na magtatayo ng motorist camps sa SCTEX na matatagpuan sa
Floridablanca para sa mga Subic bound mula March 28 hanggang 29 at sa
nasabi ring lugar para sa mga Tarlac bound mula March hanggang April 1.


Mayroong mechanic service and first aid assistance mula alas 6:00 ng umaga
hanggang alas 6:00 ng gabi sa nasabing mga motorist camp.

Maglalagay din ng information at helpdesks sa mga gasoline stations sa
kahabaan ng NLEX at SCTEX para din sa mga nabanggit na petsa.

Sa ilalim ng naturang assistance program magbibigay din ng 24-hour free
towing services para sa mga class 1 vehicles sa panahon ng Semana Santa.

Facebook Comments