Safe Vegetable Production ng Japanese farming technology project para sa mga magsasaka sa Luzon, pirmado na

Nilagdaan ni Japan Ambassador Koshikawa Kazuhiko ang isang grant contract ng Japan Agricultural Exchange Council (JAEC) isang Japanese Non-Government Organization (NGO) para sa isang proyekto para sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Luzon.

Para sa ikalawang yugto ng proyekto na sinimulan noong Marso 2021 ng Japan Agricultural Exchange Council (JAEC).

Ito ay ang “Safe Vegetable Production Technology Dissemination and Vegetable Distribution System Improvement Project” na nagkakahalaga ng USD 513,716 o humigit-kumulang ₱27.51-M sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), Provincial Governments at Local Government Units (LGUs) sa Luzon.


Ito ay naglalayong ipalaganap ang teknolohiya ng paglalagay ng uling, suka sa kahoy, at compost na ginawa na mga materyales sa mga taniman ng gulay, upang mabawasan ang mga gastusin sa produksyon upang makakuha ng mas maraming kita ang mga magsasaka at gayun din na mapabuti ang proseso ng pamamahagi ng gulay.

Inaasahan ng Japan Government na ang Japanese farming technology ay makakarating at makikinabang ang mga Pilipinong magsasaka at iba pang rehiyon sa Pilipinas.

Facebook Comments