Safeguards sa ilalim ng Anti-Terrorism Bill, tiniyak ni Sen. Lacson

Nagpapasalamat si Senator Panfilo “Ping” Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa Anti-Terrorism Bill.

Nabatid na si Lacson ang principal author ng batas na layong palakasin ang kampanya ng bansa laban sa terorismo.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Lacson na mayroong safeguards ang bagong batas kumpara sa naunang Human Security Act of 2007.


Aniya, ang Commission on Human Rights (CHR) ay aabisuhan sakaling may ikukukong na hinihinalang terorista.

Idinagdag pa ni Lacson, maiiwasan ang pag-abuso sa batas dahil mas marami ang safeguards nito.

Pagtitiyak pa ng senador na ang lahat ng Pilipino ay makikinabang sa nasabing hakbang.

Pinuri rin ni Lacson ang matibay na political will ni Pangulong Duterte para mapagtibay ang anti-terrorism efforts.

Siniguro rin ni Lacson na babantayan ang implementasyon ng batas laban sa mga posibleng pag-abuso.

Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo na mabibigyan na ng legal na basehan ang security forces na protektahan at ipagtanggol ang mamamayan dahil sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law.

Facebook Comments