SafePass digital contact tracing app, accessible na sa lahat

Magiging accessible na para sa lahat ang contact tracing application na SafePass.

Ang digital transformation leader Amihan Global Strategies at ang inclusion tech venture builder Talino Venture Labs ay naglunsad ng dalawang bersyon ng tech innovation na accessible na sa lahat ng Filipino establishments.

Ito ay ang SafePass Base, kung saan libre ito para sa lahat ng uri ng organisasyon para sa basic contact tracing at digital health questionnaires.


Ang ikalawa naman ay ang SafePass Express na mayroong employee management features at libre para sa government agencies at para sa mga establishment na accredited ng Department of Tourism (DOT).

Ang bagong development na ito ay tugon nila sa tumataas na banta ng COVID-19 infections sa bansa lalo na sa mga opisina, public spaces, establishments, maging sa residential communities kung saan naitala ang coronavirus transmission.

Magagamit ang mga contact tracing tools na ito para malimitahan ang foot traffic at makagawa ng digital contact tracing reports para sa COVID-19 incident.

Ang mga features ng SafePass ay digital contact tracing, digital health questionnaires, entry at exit points monitoring at 24-7 customer at tech support para sa mga user.

Facebook Comments