Manila, Philippines – Pasok sa top 10 ng mga pinaka-safe o ligtas na lungsot sa buong Southeast Asia ngayong 2018 ang limang lungsod sa Pilipinas.
Sa nasabing listahan, nasungkit ng Valenzuela City ang pangalawang pwesto na mayroong safety index na 74.79.
Kasama din sa listahan ang Davao City na nasa ikaapat na pwesto at may safety index na 71.21.
Nasa ikalimang pwesto ang Makati City na mayroong 60.44 safety index.
Ikaanim ang Baguio City at nasa number 8 ang Cebu City.
Ang iba pang nasa top 10 ay ang Singapore na nasa unang pwesto at may safety index na 83.77.
Ang Chiang Mai, Thailand na nasa ikatlong pwesto, ang bali Indonensia – Pangpito, Penang Malaysia – ika-siyam na pwesto at nasa pang-sampung pwesto ang Bangkok, Thailand.
Ang nasabing datos ay mula sa “numbeo” na isang Crowd-Sourced Global Database na nag-uulat ng consumer prices, crime rates, kalidad ng health care at iba pang statistics sa mga bansa sa mundo.