SAFEST CITY:Crime Index sa Cotabato City bumaba ng 51% sa unang quarter ng 2018!- PNP 12

Bumaba sa halos 51 porsyento ang Crime Index sa Cotabato City sa unang quarter ng taong 2018 kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Ito ang napag -alaman mula sa isinagawang Ugnayan sa Rehiyon Dose na pinangunahan ng PNP Region 12 kasama ang mga opisyales ng Cotabato City PNP sa pangunguna ni City PNP Director SSupt Rolly Octavio. Isinagawa ito sa Liga ng Baranggay Office sa Peoples Palace ng Cotabato.

Base sa data ng Cotabato City PNP nakapagtala lamang ng 90 ang index crime sa syudad, mula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Abril. 27 rito ang Theft, 27 ay Robbery, 12 ang Physical Injury , 11 ay Homecide, 9 ang murder at 4 ang pagkakawala ng motorsiklo.


Sinasabing pababa pa ng pababa ang mga naitatalang krimen sa syudad. Nakapagtala lamang ng 32 kaso ng krimen noong January, 29 noong Febuary, 22 noong March at 11 ngayong buwan kumpara sa 169 noong first quarter ng 2017 giit pa ni CD Octavio.

Humanga naman ang pamunuan ng PNP Region 12 sa naging inisyatiba ng City PNP katuwang ang LGU Officials partikular ang kanilang ginagawang pagroronda gabi gabi sa apat na sulok ng syudad na pinangungunahan mismo ni City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani itoy ayon pa kay PNP 12 Information Officer Supt. Aldrin Gonzalez.

Kaugnay nito, umaasa ang PNP 12 na gagawing modelo ng iba pang LGU sa buong SocSarGen Area ang RONDA ng Cotabato City. Bagaman may mga naitatala pa ring krimen sa syudad maituturing pa rin aniyang Safest City ang Cotabato sa buong Region 12 ayon sa PNP .

Maliban sa City PNP katuwang rin ng LGU sa pagpapanatili ng katiwasayan sa syudad ang mga elemento ng 5th Special Forces, 6th ID, Joint Task Force Kutawato at iba pang Force Multipliers.
FB Pic

Facebook Comments