Safety City Checklist, mandatory na sa pagre-renew ng business permit sa Taguig

Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga business establishment nito sa magre-renew ng kanilang business permits na magsumite ng Infectious Disease Preparedness and Response Plan (IDPRP) “Safety City Checklist”.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, simula January 4 hanggang January 20, 2021, kailangan nang isama ang Safety City Checklist sa mga magpapa-renew na kanilang business permits.

Maaaring magsumite ng Safety City Checklist ang mga negosyante ng lungsod sa Taguig’s Business one-stop-shop.


Pwede rin aniya ito isumite sa Open for Business (OFB) webinar at maaari rin sagutan ito sa pamamagitan ng online form.

Iginiit ni Cayetano na ang nasabing kautusan ay alinsunod sa kanyang Executive Order no. 7 o mga panuntunan para sa mga negosyo na magbubukas habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments